Umabot sa mahigit 500 raliyista at nasa 30 sasakyan ang lumahok sa isang martsa na isinagawa kaninang madaling-araw sa kahabaan ng EDSA.

Dakong alas-4:30 ng umaga nang magsimula ang pagmartsa mula sa EDSA Corinthian North Bound patungo sa EDSA White Plains North Bound.

Dahil sa isinagawang aktibidad, nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga motorista na asahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa mga apektadong bahagi ng EDSA.

Pinayuhan ng ahensya ang mga motorista na, kung maaari, ay gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang posibleng pagsisikip ng trapiko.

Advertisement

Patuloy naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa sitwasyon sa lugar upang matiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan at mapanatili ang kaayusan habang isinasagawa ang aktibidad.

Advertisement