NAGA CITY- Nasamsam ang mahigit P2-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad laban sa isang drug personality sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Itlog, 42-anyos, residente ng Brgy San Roque Ibaba sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang posuer buyer sa suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet nang pinaghihinalaang shabu gamit ang P5,000 bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na maliban sa nabanggit, nakumpiska pa kay alyas Itlog ang isang piraso ng heat- sealed transparent plastic ng pinaghihinalaang iligal na droga.

Sa pangkabuuan ang mga nasamsam na drug paraphernalia ay mayroong bigat na umaabot sa 105 grams at nagkakahalaga ng nasa humigit-kumulang P2,142,000.

Samantala, ang nasabing suspek ang kabilang sa listahan ng High Value Individual.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad si alyas Itlog para sa karampatang kaparusahan.