NAGA CITY- Aabot sa mahigit P21,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa isang suspek sa buy bust operation sa Barangay Talao-Talao, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Fernando Marciano, 41-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na naaresto si Marciano matapos na makabili ang isang pulis na umaktong poseur buyer ng isang heatsealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu gamit ang P500 bilang buybust money.

Maliban dito, narekober pa sa kamay ng suspek ang apat na piraso ng pinagbabawal na gamot na nasa 1.05 grams at nagkakahalaga ng P21,420.

Sa ngayon, nasa kustodiya na kan mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.