NAGA CITY- Mahigit sa P250,000 ang nasamsam na pinaniniwalaang shabu sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Romelito Delos Reyes Tatel, 36-anyos at Julius Maligalig Ibañez, 24-anyos, residente ng Brgy. Cotta sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa mga suspek gamit ang 500 peso bill bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na narekober kina Tatel asin Ibañez ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 12.69 grams na nagkakahalaga ng kabuuang P257,040.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na maliban sa iligal na droga, narekober pa sa operasyon ang isang cal. 38 na baril.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.