Kasalukuyang may giyera sa panukalang pambansang pondo o badyet para sa taong 2027, lalo na sa Kamara.

Marami-raming kongresman ang nagrereklamo sa kawalan o binawasang pondo sa mga proyektong imprastraktura at ayuda nila.

Lantad, halimbawa, na nagrereklamo ang nasa 45 kongresman na miyembro ng National Unity Party, habang may reklamo rin ang 5 miyembro ng Makabayan block.

Tanggap naman ng nasa 4 Duterte allies at ilang kumakampi sa kanila ang kawalan o labis na kakulangan ng pondo para sa kanila.

Advertisement

Dumarating na ang Oktubre 9, 2026 na magiging pinal na ang lahat ng pagpopondo sa mga proyekto.

Advertisement