NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda matapos pagpupukpokin ng bato nang sariling nitong half-brother sa Brgy. Matinik, Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Armin Bulilan Dimalibot, 58-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek na si Manny Bulilan Cero, residente rin ng nasabing lugar habang nasa lamay ng kanilang tiyuhin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad makatapos ang pagtatalo, sinundan pa ng suspek ang biktima habang pauwi na ito sa kanilang bahay at dito na pinagpupukpok ng bato sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Dimalibot.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Samanatala, agad rin tumakbo ang suspek matapos ang nasabing krimen.

Sa ngayon ay nagpapatulor pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente lalo na ang paghahanap sa posibleng kinalalagyan ng suspek.