Nagpasya ang Manila City Government na bayaran ang kita ng mga jeepney drivers kapalit ng libreng sakay para sa mga pasahero sa Maynila, sa ilalim ng bagong programa na inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 100,000 pasahero kada araw.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, bibigyan ng P3,000 kada araw ang bawat driver na sasali sa programa. Tinatayang mahigit 1,400 na jeepney drivers ang makikinabang sa inisyatibo.

Nakasaad sa inilabas na Executive Order na tatakbo ang programa ng limang araw sa loob ng dalawang linggo: Lunes at Martes sa unang linggo, at Lunes hanggang Miyerkules sa susunod na linggo. Nakasaad din na maaring mapalawig ang programa depende sa pondo ng lungsod.

Layunin ng programang ito na maibsan ang gastusin ng mga pasahero at maitaguyod ang accessible at libreng transportasyon sa Maynila, habang sinisiguro rin ang kita ng mga jeepney drivers sa panahon ng operasyon.

Advertisement
Advertisement