Nakapagtala ng isang minor strombolian activity sa summit crater ng PHIVOLCS ang bulkang Mayon Volcano ngayong Huwebes, Mayo 14 ng madaling-araw, habang patuloy pa rin ang effusive eruption nito sa ika-130 magkakasunod na araw, ayon sa ahensya.
Ayon sa PHIVOLCS Quick Response Team, nangyari ang strombolian activity bandang 12:12 a.m. at naitala ito sa pamamagitan ng kanilang monitoring equipment.
Patuloy ding nakakaranas ang Mayon Volcano ng effusive eruption na nagbubuga ng lava flows, pyroclastic density currents (PDC) o tinatawag na “uson,” at madalas na rockfalls, ayon sa ulat ng ahensya.
Sa kasalukuyan, nananatiling nasa Alert Level 3 ang status ng Mayon Volcano, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone dahil sa patuloy na aktibidad nito.
Patuloy namang mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lugar.








