NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos na mabangga ng isang kotse sa Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang walong taong gulang na batang lalaki, residente ng Barangay San Lyis II sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa bahagi ng Quitino H-Way sa nasabing barangay ng aksidente itong mabangga ng kotse na minamaneho ni Jose Ang Butial, 64-anyos residente ng Centerville Homes Antipolo City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na agad naman sanang dinala sa pagamutan ang biktima ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.