NAGA CITY- Tila kamatayan ang sumalubong sa kaarawan ng isang menor de edad matapos na malunod sa isang resort sa Catanauan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nagdiwang ang anim na taong
gulang na bata ng kanyang kaarawan sa isang resort sa Brgy. Matandang Sabang Kanluran sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinasabing pumunta sa swimming pool ang bata upang maligo subalit aksidente itong nalunod.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay at idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.