NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos malunod sa karagatang sakop ng Guis Guis Talon sa Sariaya Quezon.

Kinilala ang biktima na si John Monde 15-anyos at residente ng Sto.Tomas Calauan, Laguna.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office QPPO, sinasabing nagswimming sina Monde kasama
ang ilan sa kanyang mga kaibigan ng mapunta ito sa malalim na parte ng nasabing dagat.

Kaugnay nito, pinaniniwalaang nadala ng malaks na alon ang biktima dahilan para malunod ito.

Agad naman itong sinaklolohan ng kanyang mga kaibigan at dinala sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.