NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang menor de edad na babae habang nagpapalutang-lutang sa isang ilog sa Barangay Anib, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na nasa edad 12-anyos, residente ng Barangay Barcelonita, Cabusao, sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt Jonathan Deyto, imbestigador ng kaso, sinabi nito na mismong ang ama ng biktima na kinilalang si Ramil Sarmiento Ablanida ang nakakita sa katawan ng naturang biktima.

Una dito, nagpaalam umano ang biktima sa ama nito na maliligos lamang sa Barangay Mangga kasama ang mga kaibigan nito.

Ngunit gabi na hindi pa rin nakakauwi ang bata na agad namang hinanap ng mga magulang nito.

Digdi na napag-arlaman na pumunta pala ito saLidong River sa Barangay Anib kung saan pinaniniwalaang ito ay nalunod.

Dagdag pa ni Deyto, wala namang nakitang foul play sa nangyaring insidente.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.