BOMBO NAGA- Sugatan ang isang menor de edad matapos na saksakin sa isang birthday party sa Barangay Anoling, General Nakar Quezon.

Kinilala ang biktima na isang menor de edad na lalaki at residente ng Barangay Banugao, Infanta sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakatanggap ng tawag ang Gen Nakar MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa naganap na insidente ng pananaksak sa naturang lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagkaroon ng alitan ang biktima at ang hindi pa nakikilalang suspek sa isang birthday party sa bahay ni Chris Astoveza.

Nagpang-abot naman ang dalawang panig at dito na sinaksak ng suspek ang biktima sa likod na bahagi ng kaniyang katawan habang mabilis naman na tumakas ang salarin sa dai maaraman na direksyon.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na umabot sa 3CM an lalim ng saksak na tinamo ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakadakip ng suspek.