NAGA CITY- Makikita ngayon ang ilang mga helicopters na naglilibot sa Beverly Hills, Los Angeles, California dahil sa nagpapatuloy na kilos protesta.

Sa report ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras, sinabi nitong una ng naging abala ang mga bombero sa pag-apula nang kaliwa’t kanang nangyayaring sunog na kagagawan mismo ng mga raliyista.

Ayon kay Contreras, marami narin umanong resindente ang natatakot dahil ilan sa mga raliyista ang naging bayolente.

Kung maalala una ng nagpadala ng National Guards sa 15 estado ng Estados Unidos.

Habang pitong araw na ang nakakalipas matapos ang pagkamatay ng black American na si George Floyd na pinag-ugatan ng naturang mga kaguluhan.