Photo © web

Nagbabala ang isang pambansang samahan ng mga magsasaka na posibleng dumanas ng matinding pinsala ang sektor ng agrikultura sa patuloy na paglala ng El Niño phenomenon sa bansa, dahil sa inaasahang tagtuyot at mahabang dry spell na maaaring makaapekto sa produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ayon sa Kilusan Para sa Tunay na Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan), kabilang ang mga magsasaka sa pinaka-bulnerableng sektor sa epekto ng pagbabago ng klima, lalo na sa ilalim ng El Niño alert na inilabas ng PAGASA na nagbababala ng posibilidad ng below-normal rainfall sa ilang rehiyon ng bansa.

Sinabi ni Danny Carranza, secretary general ng grupo, na hindi lamang init ang hatid ng El Niño kundi direktang banta ito sa kabuhayan ng mga magsasaka.

“El Niño does not only mean hotter days. For farmers, it means dry fields, weak crops, and lost income. It means planting without certainty of harvest and feeding a family with very little—or not planting and not eating at all,” ani Carranza.

Advertisement

Bukod sa tagtuyot, binigyang-diin din niya ang sabay-sabay na problemang kinakaharap ng mga magsasaka tulad ng mataas na presyo ng gasolina, kakulangan sa irigasyon, pagtaas ng presyo ng pagkain, at kawalan ng pagmamay-ari sa lupang sinasaka.

“Diesel and oil prices remain high, and every increase pushes farming closer to loss,” dagdag niya, habang binanggit na patuloy ding bumababa ang antas ng tubig sa mga balon at irigasyon.

Babala ng grupo, posibleng magdulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain ang inaasahang pagbaba ng ani. “When production drops, food prices rise. Food becomes more expensive, portions shrink, and more families struggle to eat,” ani Carranza.

Giit din ng samahan, nananatiling malaking problema ang kawalan ng lupa ng maraming magsasaka, dahilan upang sila ang unang naaapektuhan tuwing may kalamidad.

“In times of disaster, they bear all the risks but have the least protection,” dagdag pa niya.

Nanawagan ang Katarungan sa pamahalaan na agad tugunan ang sitwasyon sa pamamagitan ng fuel subsidies, production support, pagpapalakas ng irrigation systems kabilang ang renewable energy solutions, mas mahigpit na proteksyon sa presyo at suplay ng pagkain, pagpapatupad ng agrarian reform, at pamumuhunan sa climate-resilient agriculture.

Advertisement