Matagumpay na natagpuan ang labi ng nawawalang indibidwal sa ikatlong araw ng isinagawang Search and Rescue Retrieval Operation sa bahagi ng Atulayan, Sagñay, Camarines Sur.

Matapos ang mahigit dalawang araw ng masusing paghahanap sa karagatan at mga kalapit na baybaying lugar, natukoy ng koordinadong operasyon ng iba’t ibang ahensya ang kinaroroonan ng biktima. Kabilang sa mga katuwang sa operasyon ang LGU San Jose, LGU Sagñay, LGU Lagonoy, Gryphon, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, PNP Tigaon, Special Operations Unit (SOU) Camarines Sur, at BLGU Huyonhuyon.

Matapos ang retrieval, dinala ang labi sa pantalan ng Brgy. Nato, Sagñay, Camarines Sur, kung saan ito ay maayos na inilipat at kinuha ng puneraria para sa kaukulang proseso.

Nagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat ang mga awtoridad sa lahat ng ahensya, volunteer groups, at miyembro ng komunidad na nakiisa at tumulong sa operasyon. Patuloy rin ang pakikiramay at panalangin ng buong komunidad para sa pamilya ng biktima.

Advertisement
Advertisement