Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na bubuo ang kawanihan ng isang task force upang imbestigahan ang umano’y mga iregularidad sa bidding at pagpopondo ng mga proyekto kaugnay ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Pilipinas.

Ayon kay Matibag, isinagawa ang hakbang matapos makatanggap ang NBI ng mga impormasyon na nagsisilbing batayan upang suriin ang mga umano’y anomalya sa mga proseso ng pagkuha at paggamit ng pondo para sa mga proyekto ng SEA Games.

Iginiit naman ng direktor na hindi ito muling pagbubukas ng isyu o “renewed interest” ng ahensya sa naturang usapin. Aniya, ang imbestigasyon ay tugon lamang sa mga impormasyong natanggap ng kanilang tanggapan.

Patuloy na titignan ng bubuuing task force ang mga dokumento at iba pang kaugnay na impormasyon upang matukoy kung may pananagutan ang sinumang sangkot sa umano’y iregularidad.

Advertisement
Advertisement