Hinimok ng National Bureau of Investigation si Senador Ronald dela Rosa na harapin ang kinahaharap nitong kasong crimes against humanity at itigil ang umano’y pagtatago sa mga awtoridad.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mas makabubuting humarap si Dela Rosa sa mga alegasyon bilang dating opisyal ng law enforcement, at iginiit na siya umano ang naging sentro ng mga pangyayaring nagdulot ng tensyon sa Senado.
Nilinaw rin ni Matibag na nagsilbing paglilinaw ang ulat ng Philippine National Police na walang ebidensyang nag-uugnay sa NBI sa umano’y pag-atake sa Senado noong Mayo 13, na naging sentro ng kontrobersiya.
Samantala, sinabi ng Department of Justice na naghihintay sila sa mga legal na proseso ngunit maaaring agad kumilos ang mga awtoridad kung tatangkain ni Dela Rosa na umalis ng bansa.














