Photo © web

Ipinahayag ng National Food Authority (NFA) na magsasagawa sila ng pagbili ng mga palay sa katapusan ng Marso upang mapalitan ang national buffer stock at matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, ang ahensya ay bibili ng fresh palay sa halagang P17 kada kilo at dry palay sa P21 kada kilo upang maiwasan ang sobrang kumpetisyon sa merkado.

Aniya, hinihintay nila ang tamang panahon para sa pagbili upang hindi madagdagan ang pressure sa presyo, lalo na ngayong anihan, at panatilihin ang kalmado ng merkado. Sa kasalukuyan, ang national average price ng fresh palay ay P21 kada kilo, habang P25 kada kilo naman para sa dry palay.

Layunin ng gobyerno na maabot ang 790,000 metric tons bilang national buffer stock ng bigas ngayong taon.

Advertisement
Advertisement