Aabot sa 76% ng mga adult Filipino ang nagsabing handa silang suportahan ang pamahalaan sa pagdepensa ng teritoryo ng bansa at sovereign rights, kabilang ang West Philippine Sea (WPS), ayon sa OCTA Research survey.
Batay sa Q1 2026 Tugon ng Masa survey na inilabas noong Lunes, 7% lamang ng mga respondent ang hindi sumang-ayon sa pahayag na: “I love my country, and I am committed to support the government in defending its territory and asserting sovereign rights, including over the West Philippine Sea.”
Pinakamataas ang antas ng pagsang-ayon sa National Capital Region (83%) at Balance Luzon (77%), habang pinakamababa sa Visayas (68%) at Mindanao (75%).
Sa regional breakdown, nanguna ang MIMAROPA na may 93% support, kasunod ang Caraga (91%) at Western Visayas (90%). Pinakamababa naman ang Central Visayas na may 45% agreement rate.
Ayon sa OCTA Research, malaki ang agwat ng regional sentiment, kung saan umabot sa 48-point gap ang pagitan ng pinakamataas at pinakamababang antas ng suporta.
Sa Davao Region, isa sa pinakamataas ang disagreement rate na umabot sa 34%, na itinuturing ng OCTA bilang isa sa mga “key outliers” ng pag-aaral.
Batay naman sa edukasyon, pinakamataas ang suporta sa mga vocational graduates (85%), kasunod ang college at postgraduate respondents (80%). Sa edad, pinakamataas ang suporta sa 35–44 age group (80%) habang pinakamababa sa 45–54 age group (71%).
Sa socioeconomic class, halos pantay ang suporta sa Class ABC at D (76%), habang bahagyang mas mababa sa Class E (71%).
Ang survey ay isinagawa mula Marso 19 hanggang 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents nationwide at may ±3% margin of error.
Ang pag-aaral ay kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng pag-unawa sa public sentiment hinggil sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.














