Nakatakdang gumamit ang Office of the Ombudsman ng artificial intelligence (AI) upang mas mabilis at organisadong masuri ang libu-libong pahina ng dokumento at data na ipinasa sa kanila ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, mayroong humigit-kumulang 200 mega boxes ng data, kasama ang mga envelopes at hard drives, na naglalaman ng libu-libong mga dokumento. Sa mga susunod na araw, iisa-isahin at susuriin ng kanilang tanggapan ang lahat ng datos.
Ginagamit ang AI upang mapadali at mas mapabilis ang pag-aayos at pagsusuri ng malawakang impormasyon, ayon kay Remulla.
Humanga rin siya sa kalidad ng trabaho ng ICI, na ayon sa kaniya ay nakapagbigay inspirasyon sa kanilang legal staff na mag-apply sa Ombudsman’s office.














