Inatasan ng Office of the Ombudsman si Senador Francis Escudero na magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa umano’y anomalya sa flood control projects, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.

Ayon kay Clavano, nasa preliminary investigation stage na ang kaso at hinihintay na lamang ang isusumiteng sagot ng senador upang maipagpatuloy ang imbestigasyon.

“I believe ‘yung panel po natin ay naghihintay na lang sa kanyang counter affidavit para umusad na po,” ani Clavano sa isang panayam.

Kasabay nito, sinabi rin niya na nasa preliminary investigation stage din ang hiwalay na kaso laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng umano’y money laundering na may kinalaman din sa flood control controversy.

Advertisement

Giit ng parehong mambabatas, mariin nilang itinatanggi ang anumang pagkakasangkot sa iregularidad sa mga proyekto.

Ayon pa sa Ombudsman, patuloy ang criminal case buildup laban sa mga sangkot, kasunod ng mga unang kasong naisampa sa ilalim ng flood control investigation kabilang ang malversation at graft cases laban sa ilang dating opisyal, kontraktor, at dating mambabatas.

Advertisement