NAGA CITY- Kumpiskado ang nasa P102-K na halaga ng iligal na droga sa dalawang drug personality sa isinagawang buybust operation sa Purok Dama De Noche, Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sila Alias Ronnie, 49-anyos at Alias Tonton, 25-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na naaktuhan ng mga otoridad an mga nasabing suspek na nagbebenta ng iligal na droga matapos na makabili ang posuer buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P11-K.

Samantala, dati na umano na kasama sa listahan ng Street Level Individual Quezon Police Provincial Office QPPO ang dalawang suspek.

Tinataya naman na mayroong bigat na 5 grams ang nakumpiska na iligal na droga at nagkakahala ng P102-K.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang kaparusahan.