Umabot na sa P171.5 milyon ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi ng House of Representatives’ Suporta sa Bayan Desk (SBD) sa 3,592 benepisyaryo sa unang 50 araw ng operasyon nito.
Batay sa ulat ng SBD mula Marso 18 hanggang Hunyo 22, 2026, nakatanggap ang programa ng kabuuang 3,738 kahilingan para sa tulong, kung saan 96 porsiyento o 3,592 aplikasyon ang naaprubahan at nabigyan ng kaukulang ayuda.
Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, layunin ng programa na gawing mas mabilis, maayos, at makatao ang pag-access ng mga Pilipino sa tulong mula sa pamahalaan.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang SBD ay nagsisilbing mekanismo upang mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayang nangangailangan, lalo na ang mga humihingi ng suporta para sa agarang pangangailangan.
Patuloy naman ang operasyon ng Suporta sa Bayan Desk upang tugunan ang mga bagong kahilingan at matiyak ang mas episyenteng paghahatid ng ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo.














