Nagpahayag ng pakikiramay si Pinoy Workers Party-List Rep. Karl Fernandez Legazpi sa pagpanaw ng dalawang Ateneo Student-Athletes na sina Divine Adili at Rene Clert Baterbonia matapos ang isang team-building activity sa Aurora.

Kinondena ng mambabatas, na malaking kawalan ang kanilang pagkamatay hindi lamang para sa kanilang mga pamilya at sa komunidad ng Ateneo, kundi maging sa larangan ng sports sa bansa, dahil sa kanilang ipinakitang potensyal at magandang kinabukasan bilang mga atleta.

Bilang dating Commissioner-at-Large ng National Youth Commission at kasalukuyang Vice Chairperson ng House Committee on Youth and Sports Development, binigyang-diin ni Legazpi ang kahalagahan ng kaligtasan, wastong pangangalaga, at pananagutan ng mga institusyong nangangasiwa at humuhubog sa mga kabataang atleta.

Iginiit din niya na dapat magsilbing mahalagang aral ang trahedya upang higit pang mapalakas ang mga hakbang at polisiya para sa proteksiyon ng student-athletes, at upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Advertisement

“The goal is not merely to determine the circumstances of this particular tragedy, but to ensure that no other family has to endure the same loss. If this tragedy can happen in one of the country’s most respected educational institutions, then it is incumbent upon us to examine whether sufficient protections exist for student-athletes nationwide. We owe it to Divine and Rene, and to every young Filipino athlete, to learn from this loss and pursue meaningful reforms,” pahayag ni Rep. Fernandez.

Advertisement