Nilinaw ng mga awtoridad na hindi muna sila magbibigay ng karagdagang impormasyon kaugnay ng operasyon para sa pagtugis kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nahaharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa mga opisyal, marapat lamang umano na limitahan muna ang pagbabahagi ng impormasyon upang hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na operasyon ng mga law enforcement agencies.

Humingi rin sila ng pang-unawa sa mga mamamahayag at publiko hinggil sa pagiging limitado ng impormasyong maaaring ilabas kaugnay ng usapin.

Aniya, bahagi ito ng masusing koordinasyon ng mga otoridad upang matiyak ang maayos at mabilis na pagpapatupad ng batas.

Advertisement

Tiniyak naman ng mga awtoridad na may isinasagawang hakbang ang kapulisan katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan para sa agarang pagtugis kay Dela Rosa.

Nahaharap ang senador sa warrant of arrest mula sa ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyon.

Advertisement