Kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Cosmo 2024 ang pambato ng Indonesia na si Ketut Permata Juliastrid Sari habang 1st Runner naman ang pambato ng Thailand na si Karnruethai Tassabut sa isinagawang Miss Cosmo 2024 Grand Finale sa Vietnam.

Si Juliastrid ay nagpamalas ng kanyang aking talino at umangat sa mga kandidata na sumabak sa nasabing beauty pageant.

Naging mainit naman ang naging tapatan ni Juliastrid at ni Tassabut sa final round ng kompetisyon ngunit sa huli matagumpay na nasungkit ng pambato mula sa Indonesia ang korona.

Samantala, nagtapos naman bilang bahagi ng Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo ngunit sa kabila nito, nananatiling proud pa rin ang mga Pilipino sa naging performance ng Filipina Beauty Queen.