NAGA CITY – Labis ang kalungkutan ng pamilya ng Bikolanong sundalo na isa sa mga binawian ng buhay sa pagbagsak ng C-130 Hercules cargo plane sa Jolo, Sulu.

Kung maaalala, Lunes ng gabi, Hulyo 5, 2021 nang bumagsak ang naturang military plane na ikinasawi ng nasa 53 indibidwal.

Kinilala ang naturang sundalo na si Cpl. Dexter Espares Estrada ng Philippine Army, 32-anyos at residente ng Zone 2, Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur.

Sa naging pahayag ng pamilya ni Estrada, nabatid na siyam na taon na itong nanilbihan simula nang madestino sa Agusan Del Sur noong taong 2012.

Samantala sa ngayon, wala pa ring inilalabas na kapahayagan ang kampo ng 9ID, Philippine Army kaugnay ng naturang insidente.