Iginiit ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi maaaring gamitin ni Senador Ronald “Bato” M. dela Rosa ang parliamentary immunity upang maiwasan ang pag-aresto kaugnay ng kasong crimes against humanity sa ilalim ng International Criminal Court (ICC).
Ayon sa OSG, ang parliamentary immunity ay saklaw lamang ng mga kasong may parusang hindi lalampas sa anim na taong pagkakakulong.
Ngunit sa kasong crimes against humanity na iniuugnay kay dela Rosa, mabigat ang posibleng parusa gaya ng habambuhay na pagkakakulong, kaya’t hindi umano ito saklaw ng nasabing immunity.
Sinabi rin ng OSG na tila umiiwas umano si dela Rosa sa mga awtoridad kaya’t hindi siya maaaring agad humingi ng tulong sa korte habang wala siya sa hurisdiksyon nito.
Matatandaang noong Nobyembre, sinabi ng Korte Suprema na ang isang pugante ay dapat munang sumuko bago makahingi ng judicial relief sa korte.














