NAGA CITY- Sinuspendi na ni Governor Migz Villafuerte ang pasok sa lahat ng opisina sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa ipinalabas na memorandum ni Governor Migz Villafuerte, ipinag-utos nito ang pagkansela sa lahat ng pasok sa lungsod, mga local government units, national government agencies, mga bangko at mga pribadong opisina mula ngayong araw hanggang bukas, Disyembre 3.

Una rito, nagkaroon na rin ng suspension of classes sa lahat ng antas sa pampubliko o pribadong mga paaralan sa lalawigan ngayong araw.

Samantala, patuloy na tumataas ang bilang ng mga evacues mula sa iba’t ibang lugar sa CamSur.