Pinalakas pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang search and rescue (SAR) operations sa General Santos City matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao nitong Lunes, Hunyo 8.

Ayon sa PCG, nagpadala sila ng 150 responders at karagdagang dalawang search and rescue dogs upang tumulong sa patuloy na relief at rescue efforts ngayong Martes, Hunyo 9.

Ipinadala ang tatlong deployable response groups at dalawang SAR dogs sa gumuhong commercial building sa Barangay Calumpang upang tumulong sa paghahanap at pag-rescue sa mga posibleng na-trap na mga survivor.

Samantala, dalawa pang deployable response groups kasama ang Coast Guard High-Speed Response Boat ang idineploy sa Barangay Bawing para hanapin ang dalawang indibidwal na nawawala.

Advertisement
Advertisement