Bigong makapag-uwi ng medalya para sa Pilippinas ang Pinay weightlifter na si Vanessa Sarno sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.

Natapos na kasi ang kampanya ni Sarno sa womens’ 71kgs. weightlifting class.

Ito’y matapos na sa unang sabak nito ay hindi nabuhat ang 100kgs.

Sinubukan naman ng nasabing atleta na buhatin ang nasabing barbel pero bigo pa rin ito kung kaya idineklara itong Did Not Finish (DNF).

Tuluyan ng natapos ang unang sabak ni Sarno sa Olympics at hindi na makakausad sa susunod na round.