Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at international law enforcement organizations upang beripikahin ang ulat ng pagkakadakip kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co sa Prague, Czech Republic.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., isinasagawa ang beripikasyon sa pamamagitan ng opisyal na mga channel upang matiyak ang detalye ng insidente. Sinabi rin niya na handa ang PNP na magbigay ng kinakailangang tulong at suporta sa mga legal process, kabilang ang koordinasyon para sa posibleng pagbabalik ni Co sa Pilipinas, alinsunod sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nauna rito, iniulat ng Pangulo na naaresto si Co matapos umanong pumasok sa Czech Republic nang walang sapat na dokumento at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad doon.

Ayon pa sa ulat, si Co ay kabilang sa mga iniugnay sa umano’y anomalya sa mga flood control projects sa bansa, bagaman wala pang pinal na kumpirmasyon mula sa mga imbestigasyon.

Advertisement

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon o karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing pag-aresto.

Advertisement