Bumagsak ng mahigit 5% ang presyo ng langis sa maagang kalakalan sa Asya nitong Lunes dahil sa pag-asa ng posibleng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na magwawakas sa tensyon sa Middle East, kahit na sinabi ni US President Donald Trump na hindi pa ito dapat madaliin.

As of around 2300 GMT nitong Linggo, ang presyo ng Brent crude ay bumaba ng 5.1% sa $98.22 kada bariles, habang ang West Texas Intermediate (WTI) ay bumaba ng 5.2% sa $91.57 kada bariles.

Ayon sa social media post ni US President Donald Trump, inatasan niya ang kanyang mga kinatawan na huwag madaliin ang kasunduan dahil “time is on our side.”

Nag-ugat ang tensyon matapos ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong Pebrero 28, na sinagot naman ng Iran sa pamamagitan ng missile at drone attacks sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Advertisement

Ayon sa ulat, may umiiral na ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran mula Abril 8 habang nagpapatuloy ang negosasyon sa pamamagitan ng mga tagapamagitan para sa posibleng kasunduan.

Gayunman, iniulat din na nagpatupad ang Iran ng kontrol sa shipping sa Gulf habang nagpatupad naman ang Estados Unidos ng blockade sa ilang daungan ng Iran, na patuloy na nagpapainit sa sitwasyon sa rehiyon.

Advertisement