NAGA CITY- Nagpapagaling na ngayon ang isang PNP personel at isang pedestrian matapos ang nangyaring aksidente sa kalsada ng Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang pulis na si PCMS Catherine Malazarte at ang pedestrian na si Shara May Brabante, 18-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP- Baao, napag- alaman na habang binabaybay ni Malazarte ang nasabing daan papuntang Iriga City nang nabangga ng sinasakyan nitong motorsiklo si Brabante.

Dahil dito parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang dalawa.

Agad namang itinakbo sa ospital ang dalawa upang malapatan ng lunas.