NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos mapagtripan ng isang lalaki habang nakaduty sa Del Rosario, Naga City.

Kinilala ang biktima na si PSSgt. Rodel Dalan kan City Mobile Force Company.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Office, nabatid na habang nakaduty ang naturang pulis sa lugar nang
biglang lumapit ang suspek na si Nario Francisco, 33-anyos ng Minalabac, Camarines Sur.

Sa hindi pa malamang dahilan, biglang binato ng suspek ang pulis na tinamaan sa kanyang ulo at agad na itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.