NAGA CITY- Arestado ang isang ranked 1 most wanted person dahil sa kasong panggagahasa sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Eddie Dela Cruz, 59-anyos residente ng Barangay New Poblacion sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt Dino Paulo Ramos, acting Chief Of Police ng Cabusao Municipal Police Station, sinabi nito na nadakip si Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 6 counts of rape kontra sa nasabing akusado.

Ayon kay Ramos, walang inirerekomendang piyansa ang kaso para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.