Iginiit ni Batangas Representative Gerville Luistro na sapat na ang pagkaka-convict sa kahit isang artikulo ng impeachment upang mapatalsik sa puwesto at ma-disqualify sa anumang posisyon sa gobyerno si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, boboto ang Senado bilang impeachment court sa bawat artikulo matapos maiprisinta ang mga ebidensya sa apat na reklamo laban kay Duterte, kabilang ang isyu ng confidential funds, panunuhol, hindi maipaliwanag na yaman, at umano’y pagbabanta.

Paliwanag niya, kapag nakakuha ng 16 boto ang isang artikulo, itinuturing itong sapat para mahatulan ang isang impeachable official at maipataw ang parusang perpetual disqualification sa paghawak ng pampublikong posisyon.

Nilinaw din ng mambabatas na kahit magbitiw pa sa puwesto si Duterte bago matapos ang impeachment proceedings, dapat pa ring ituloy ang paglilitis dahil nananatili ang usapin ng posibleng habambuhay na diskwalipikasyon sa serbisyo publiko.

Advertisement
Advertisement