NAGA CITY- For formality na lamang umano ang isasagawang paganunsyo ng resulta ng impeachment trial ni Trump sa Miyerkules sa susunod na Linggo.

Sa report ni Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales ng Estados Unidos, sinabi nitong tapos na ang impeachment trial at ito’y nagresulta sa 51-49 votes sa pagitan ng Republicans at Democrats.

Ayon kay Gonzales, una pa lamang ay inaasahan na nilang mananalo ang Presidente dahil sa dami ng supporters nito maging mga kapanig nito sa
Korte at Senado.

Aniya, talaga ring hindi tatanggapin ang mga mungkahi ng oposisyon lalo na at wala naman itong maibigay na mga ebidensya at pawang mga sabi
sabi lang ang pinanghahawakan.

Samantala, kung maaalala una pa lamang marami na ang nagsasabi na malakas ang laban ni Trump sa nasabing impeachment.