Binigyang-diin ng kampo ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi nangangahulugang guilty na siya sa kasong plunder kaugnay ng flood control scandal ang 90-araw na suspensyon na ipinataw ng Sandiganbayan.

Ayon kay Romualdez’s counsel na si Atty. Ade Fajardo, hindi maituturing na hatol ng pagkakasala ang naturang suspensyon. Aniya, malinaw na kinikilala rin ng korte na kailangan pang patunayan ang mga paratang sa pamamagitan ng sapat na ebidensya, at hindi lamang batay sa mga akusasyon.

Ipinaliwanag ni Fajardo na mandatory o itinatakda ng batas ang pagpapatupad ng suspensyon matapos makumpleto ang mga kinakailangang impormasyon kaugnay ng kasong kinakaharap ni Romualdez.

Dagdag pa ng abogado, nananatiling alegasyon ang mga paratang habang nagpapatuloy ang paglilitis. Hindi pa aniya napapatunayan na tumanggap si Romualdez ng anumang halaga mula sa umano’y ilegal na komisyon o kickback kaugnay ng mga maanomalyang flood control project.

Advertisement
Advertisement