NAGA CITY- Kasalukuyan ng nagpapagaling si Sariaya Mayor Marcelo Predilla Gayeta at First Lady Marivic Gayeta matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa naging pahayag ni Mayor Gayeta, sinabi nito na kasalukuyan umanong nakakaranas na ang mga ito ng sintomas ng Coronavirus tulad na lamang ng pagkawala ng pang lasa at pang amoy.
Samantala nalulungkot naman umano ang nasabing alkalde dahil narin nagkataon na sa mismong kaarawan pa nito lumabas ang resulta na positibo ito sa Covid-19.
Ngunit sa kabila nito nagpapasalamat narin umano ito dahil bukod sa kanyang asawa ay wala nang ibang nahawaan pa ng nasabing sakit sa kanyang pamilya at sa kanyang mga tauhan.
Sa ngayon nanawagan naman ito sa kanyang mga nasasakupan na patuloy na mag ingat dahil patunay lamang umano ito na walang pinipili ang nasabing sakit.