Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian na handa siyang maging Senate President kung kakailanganin, sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagbabago sa liderato ng Senado.

Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na tinalakay ng minority bloc ang ilang posibilidad kaugnay ng sitwasyon sa Senado, ngunit tumanggi siyang magbigay ng karagdagang detalye.

Umiikot ang usapin sa mga ulat ng umano’y “kudeta” laban kay Senate President Alan Peter Cayetano, bagama’t wala pang kumpirmasyon hinggil dito.

Si Gatchalian ay kabilang sa 11-miyembrong minority bloc na kumontra sa pagkakaluklok ni Cayetano, na sinuportahan naman ng 13 senador kabilang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Advertisement

Ayon sa senador, mas nais muna niyang tutukan ang pagpapanumbalik ng dignidad at imahe ng Senado.

Gayunman, sa hiwalay na pahayag, sinabi rin niya na prayoridad pa rin ng mga senador ang pagbabalik sa normal na legislative agenda.

Advertisement