Dinepensahan ni Senador Robin Padilla si Senate acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng naganap na pamamaril sa Senado noong Mayo 13, 2026, at iginiit na nakatulong ito upang maiwasan ang mas malalang insidente.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Padilla na si Aplasca umano ang naging susi upang maprotektahan ang mga buhay sa loob at labas ng Senado.
“Ang taong ito ang nagsagip sa mga buhay ng nasa loob at labas ng Senado,” ani Padilla.
Ayon sa senador, naging mahalaga ang pagpapaputok ng warning shots nina Aplasca at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) upang mapakalma ang sitwasyon at maiwasan ang mas malalang komprontasyon.
“Ang warning shot niya at warning shot ng NBI ang nagpakalma ng sitwasyon at nagpatunay na friendly forces sila pareho at nagkulang sa tamang koordinasyon at komunikasyon ang kanilang mga pinuno,” paliwanag ni Padilla.
Dagdag pa niya, hindi nanaig ang matinding emosyon o “combat high” sa magkabilang panig kaya nauwi sa mapayapang pagtatapos ang insidente.
Nagpasalamat din ang senador na walang nasaktan sa pangyayari at sinabing “Alhamdulillah walang nasakripisyo na buhay sa kalitohan na ito.”
Samantala, si Aplasca ay sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan nang walang sahod kaugnay ng insidente na may kinalaman sa tangkang pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa dahil sa arrest warrant mula sa International Criminal Court. International Criminal Court.














