NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos na makasalpok ang motorsiklo sa isang truck sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Stephen Serra, 61-anyos, residente ng 177 Brgy. 17, Rizal St., Ilawod, Legazpi City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Serra ang papalikong bahagi ng Maharlika Highway, Brgy. Sigamot sa nasabing bayan ng masakop nito ang kabilang linya ng kalsada at makasalpok sa kasalubong nitong truck na minamaneho ni Medel Cordon, 52-anyos, residente ng Brgy. Tula-Tula, Sipocot sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit ideklara rin na dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Coron habang nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.