NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos na mabangga ng isang tricyle sa Brgy. Santa Elena Baras, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Eugenio Gallarte, 75-anyos, residente ng Nova Homes, Subd., San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alam na bandang alas-9 ng umaga kahapon, habang binabagtas ni Gallarte ang direksyon patungo sa nasabing bayan gamit ang motorsiklo na minamaneho nito ng bahagya itong bumagal upang lumiko sa kanang bahagi ng kalsada ng aksidente itong mabangga ng tricycle na minamaneho naman ni Rufo Raquel, 70-anyos, residente ng B6, L27, BFRV, Las Piñas City na binabagtas rin ang kaparehong direksyon.

Dahil dito nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Gallarte na agad namang dinala sa ospital.

Ngunit pagdating ng alas-2:36 ng hapon ng kaparehong araw, tuluyan na rin itong binawian ng buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.