Nagpahayag ng pasasalamat si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa House Committee on Justice at sa mga miyembro nito dahil sa kanilang pamumuno at dedikasyon sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, matapos aprubahan ng komite ang ulat na naglalaman ng articles of impeachment nitong Lunes.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Speaker Dy si House Committee on Justice chair Gerville Luistro at ang iba pang mambabatas sa kanilang aktibong papel sa pagdinig ng mga reklamo, na aniya’y mahalaga sa pagpapakita ng transparency at accountability sa pamahalaan.
Binigyang-diin din ni Dy na mahalaga ang pagpapanatili ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno bilang bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin sa publiko.
Samantala, isinulong din ng lider ng Kamara ang panukalang Anti-Political Dynasty bill upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Ipinahayag din niya ang suporta sa KALINGA Act of 2026 na layong tugunan ang inflation, palakasin ang kabuhayan, at patatagin ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa niya, dapat ding paigtingin ang mga hakbang para sa energy security at pagpapalakas ng pundasyon ng bansa para sa pangmatagalang kaunlaran.














