NAGA CITY- Isasailalim na sa swab testing ang ilang indibidwal na pinaniniwalaang nagkaroon ng close contact sa 17-anyos na COVID-19 positive sa Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Mayor Nelson Legacion sinabi nito na malinaw naman sa mga ito kung ano ang mga dapat na gawin at patuloy na gagawin para maiwasan ang nasabing sakit.

Habang kinumpirma naman ng alkalde na hindi buong subdivision ang isinailalim sa lockdown ngunit ilang bahagi lamang.

Kung maaalala, agad na ipinatupad ang extreme community quarantine o lockdown sa mga lugar na malapit sa bahay ng naturang dalagita matapos itong magpositibo sa coronavirus.