NAGA CITY- Bumuhos ngayon ang mga taga-suporta at malalapit na kaibigan ng pamilya Robredo sa burol ng namayapang ina ni ni Vice President Leni Robredo.

Nabatid na kahapon ang unang araw ng burol ng dating Dean na si Salvacion “Sally”Gerona sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa

Balatas Road Naga City, kung saan binuksan ito sa publiko ngunit limitado lamang sa media dahil hindi muna pinahintulutan na kumuha ng mga larawan sa loob ng Chapel.

Tiniyak naman ng pamilya Robredo na isusunod na lamang ang ilang mga detalye ng libing.

Kasabay nito nag-apela naman ng panalangin si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabby Bordado para sa namayapang ina ng Bise Presidente.

Ipinaabot narin ni Bordado ang kaniyang pakikiramay sa pamilya ng Bise Presidente maging ng iba pang opisyal sa lungsod.

Una rito, ayon kay Bordado nasa Maynila sya ng matanggap ang naturang balita.

Una nang naconfine sa Mother Seton Hospital sa Naga City si Gerona dahil sa iniindang sakit na iniwasang isapubliko ng pamilya Robredo.

Si Gerona ang asawa ng dating Regional Trial Court Judge na si Antonio Gerona.

Naging Dean ito ng College of Education at Gradute school hanggang sa naging Vice President for Academics ng Universidad De Sta. Isabel, Naga City.