NAGA CITY-Binawian ng buhay ang isang tatlong taong gulang na batang lalake sa Sitio Malazor, Brgy San Lorenzo, Mauban, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ayon sa nanay ng bata na si Jhemarie Malaca, nakita aniya nito ang kanyang anak na umalis sa kanilang bahay bandang alas-9 ng gabi Marso 30,2024, kung saan kanyang inisip na kasama ng kanyang anak ang ama nito sa kanilang tricycle.

Nang dumating na ang kanyang asawa, tinanong nito kung nasaan ang kanilang anak na sinagot naman nito na wala sa kanya ang kanilang anak.

Dahil dito, nag-desisyon ang mag-asawa na hanapin ang bata.

Dito naman nakita ng mag-asawa ang kanilang anak na lumulutang sa ilog na sakop ng nabanggit na barangay.

Samantala, dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara lang naman itong dead on arrival.

Sa kabila nito, wala naman nakitang foul play sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.