NAGA CITY- Nagsagawa ngayong araw, August 26, 2023, ang iba’t ibang ahensya kasama ang myembro ng Ako Bicol Partylist ng paglilinis sa mga dadaungan ni Inang Peñafrancia bilang paghahanda sa paparating na Peñafrancia Festival.

Ayon kay Sally Luces, AKB media relations officer, sinabi nitong taun-taon ginagawa ng AKB ang nasabing aktibidad. Ito rin ay naging isang tradisyon ng grupo na kinabibilangan rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at iba pa.

Layunin nito na masiguro na malinis ang Naga River bago ang fluvial procession sa susunod na buwan.

Inaasahan rin aniya ni Luces na makikiisa rin sa aktibidad ang mga commander ng 9th Infantry Division, Bureau of Fire Protection, PNP, Navy, Coastguard, at Eagles.

Sa ngayon ay hangad na lang ng opisyal ang pakikiisa ng bawat isa sa nasabing aktibidad.